AirAsia, bawas-empleyado dahil sa operating cost

Kinumpirma ng AirAsia Philippines ang pagbabawas ng bilang ng mga empleyado nito bunsod ng patuloy na pagtaas ng gastusin sa operasyon ng kumpanya.
Ayon kay AirAsia Philippines President and General Manager Anna Victoria Lu, napilitan ang airline na bawasan ang ilang ruta at bilang ng mga biyahe dahil sa mataas na presyo ng jet fuel at hindi paborableng palitan ng piso kontra dolyar.
Hindi naman tinukoy ni Lu kung ilan ang mga empleyadong maaapektuhan ng naturang hakbang. Gayunman, tiniyak niya na magbibigay ng tulong ang kumpanya sa mga manggagawang mawawalan ng trabaho.
Samantala, batay sa Trade Union Congress of the Philippines, nasa 90 piloto ng AirAsia Philippines ang inaasahang mawawalan ng trabaho pagsapit ng Disyembre.
Katumbas ito ng halos kalahati ng tinatayang 200 miyembro ng AirAsia Philippines Pilot





