MMDA, pinatigil ang paglilipat ng barriers sa EDSA

(November 02 2026) Few Barrier serving as a divider between the bus carousel and private vehicles at Nepa Q-Mart bus station, removed by the MMDA after they allow private vehicles temporarily to use a portion of the EDSA Busway from Mega Q Mart to Boni Avenue starting Monday, November 2 amid road rehabilitation works, DOTr Secretary Vince Dizon announced on Monday. Photo/Analy Labor
Pansamantalang inalis ang mga concrete barrier sa bahagi ng EDSA matapos sitahin at pagmultahin ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ang pribadong kontratistang nagsasagawa ng rehabilitasyon sa naturang lansangan dahil sa kawalan ng permit.
Ayon sa Metropolitan Manila Development Authority, nagdulot ng mabigat na daloy ng trapiko ang paglilipat ng mga concrete barrier sa bahagi ng EDSA-Annapolis, mula sa Cubao sa Lungsod ng Quezon hanggang sa Lungsod ng San Juan.
Sinabi ng ahensiya na walang kaukulang abiso at permit ang kontratistang Readycon Trading and Construction Corp. nang ilipat nito ang mga barrier habang isinasagawa ang Phase 2 ng EDSA Rehabilitation Project.
Dahil sa paglabag sa umiiral na regulasyon, pinagmulta ng ahensiya ang kontratista ng P50,000.
Samantala, inireklamo rin ng ilang motorista ang hindi pantay na pagkakalatag ng aspalto sa ilang bahagi ng lansangan bunsod ng nagpapatuloy na rehabilitasyon.
Patuloy na babantayan ng mga awtoridad ang pagpapatupad ng proyekto upang maiwasan ang karagdagang abala sa mga motorista at matiyak ang maayos na daloy ng trapiko sa EDSA.






