Skip to content
DYARYO TIRADA

Seafarer Documents validity, ginawang sampung taon

Text size

Palalawigin sa 10 taon ang validity ng mga pangunahing dokumento ng mga seafarer simula sa susunod na taon bilang bahagi ng hakbang ng Department of Transportation (DoTr) na pabilisin at padaliin ang proseso ng pagkuha at pag-renew ng kanilang mga papeles.

Ayon kay DoTr Undersecretary for Maritime Marcus Lacanilao, kasalukuyan nang inaayos ng ahensiya ang mga kinakailangang panuntunan upang maipatupad ang 10-taong validity ng seafarer identity document at seafarer record book.

Alinsunod ang hakbang sa direktiba nina Pangulong Ferdinand Marcos Jr. at Transportation Secretary Vince Dizon na gawing mas mabilis at simple ang pagpaparehistro at pagkuha ng mga dokumento para sa mga marino.

Ipinaliwanag ni Lacanilao na layunin ng reporma na mabawasan ang oras na ginugugol ng mga seafarer sa pagpila at pag-renew ng mga papeles upang masulit nila ang kanilang limitadong bakasyon kasama ang kanilang pamilya.

Dagdag niya, bilang undersecretary for maritime, saklaw ng kaniyang pangangasiwa ang Cebu Port Authority, Philippine Ports Authority, Maritime Industry Authority at Philippine Coast Guard.

Your sign today

Pick your Chinese zodiac sign for a daily forecast by Master Hanz Cua.