P-pop groups hakot-award sa Brazilian award show

Anim na international awards ang pinagsama-samang nasungkit ng Filipino groups na BINI, SB19, BGYO at HORI7ON sa BreakTudo Awards 2026 na ginanap sa São Paulo, Brazil noong 24 Nobyembre.
Tinanghal na International Female Group ang Nation’s Girl Group na BINI matapos mangibabaw sa fan voting sa kategoryang kinabibilangan ng international girl groups na Blackpink, Twice at Katseye.
Nasungkit naman ng SB19 ang International Male Group award, kung saan nakatapat nito ang ilang kilalang K-pop groups gaya ng BTS, Stray Kids at ENHYPEN.
Nag-double victory pa ang P-pop kings matapos manalo ang kanilang kantang “Emoji” kasama ang Taiwanese singer na si Jolin Tsai, bilang International Collaboration of the Year.
Dalawang awards din ang naiuwi ng homegrown boy group BGYO matapos tanghaling Asian Artist at masungkit ang International Anthem of the Year para sa kanilang kantang “Forever Tonight.”
Samantala, kinilala bilang International Artist on the Rise ang all-Filipino boy group na HORI7ON, na nakabase sa South Korea.
Itinatag noong 2016, ang BreakTudo Awards ay isang annual fan-voted award show sa Brazil na kumikilala sa local at international artists sa industriya ng musika, entertainment at pop culture.





