Presyo ng petrolyo, posibleng mag-rollback

Inaasahang muling bumaba ang presyo ng mga produktong petrolyo sa susunod na linggo, kasabay ng posibleng paglaki ng suplay ng langis dahil sa pagtaas ng karga ng krudo sa mga terminal sa Middle East na matatagpuan sa labas ng Strait of Hormuz.
Inaasahang maglalaro sa P3 hanggang P3.50 kada litro ang posibleng bawas-presyo sa gasolina at diesel, habang aabot naman sa P3.70 kada litro ang inaasahang pagbaba sa presyo ng kerosene.
Ito ang limang sunod na linggong pagbaba ng presyo ng diesel and pangapat naman sa gasoline.
Iniuugnay ang inaasahang rollback sa posibleng paglaki ng suplay ng langis dahil sa pagtaas ng pagkarga ng krudo sa mga terminal sa Middle East na matatagpuan sa labas ng Strait of Hormuz.
Dagdag pa rito, inaasahang makatutulong din ang pagtaas ng exports ng China upang madagdagan ang suplay ng gasolina at diesel sa rehiyon at maibsan ang naunang kakulangan nito.






