Skip to content
DYARYO TIRADA

Go: Kaligtasan ng atleta dapat unahin

Go: Kaligtasan ng atleta dapat unahin

JAZzY LIZzY

Text size

Nanawagan si Sen. Christopher “Bong” Go ng regular na medical checkup at mas maayos na paghahanda sa mga emergency sa mga palaro kasunod ng pagkamatay ng dating Philippine Basketball Association (PBA) star na si Peter June “PJ” Simon.

Namatay si Simon, 46, matapos makaranas ng medical emergency habang naglalaro ng basketball sa Davao City noong 20 November 2026.

Sa UNTV Cup Executive Face-Off 2026, nagpahayag ng pakikiramay si Go sa pamilya ni Simon at sa basketball community.

Also read Lakers, Spurs maglalaban para sa top spot

“Napakagaling, iniidolo natin. Nalulungkot po ako, ako po’y nakikiramay sa pamilya. My deepest condolences to the family,” ani Go.

Hinimok din niya ang publiko, partikular ang mga nasa edad 40 pataas, na regular na magpa-checkup at kumonsulta sa doktor bago sumabak sa mabibigat na pisikal na aktibidad.

“Paalala ko lang po sa lahat na ingat po tayo, make sure na we are physically fit, lalong-lalo na po ‘yung mga 40 years old and above, tulad ko, I am 52 years old. Kailangan talagang magpa-checkup tayo kahit papaano,” dagdag niya.

Iginiit din ni Go ang pagkakaroon ng nakahandang medical team at mga tauhang marunong rumesponde sa emergency sa mga palaro. Binanggit niya ang UNTV Cup bilang halimbawa ng ligang may nakahandang medical personnel.

“Importante po itong mayroong mga support crew. Katulad ng itong liga po ng UNTV, mayroon silang ready na medical team na tumugon kaagad sa mga pangangailangang medical attention in case of emergencies,” aniya.

Also read China, nasorpresa ng Saudi

Ipinunto rin ng senador na hindi lahat ng basketball court at community leagues ay may ambulansiya o medical team. Dahil dito, plano niyang magsulong ng panukalang batas upang palakasin ang medical safeguards sa mga aktibidad pampalakasan.

Binanggit din niya ang Republic Act 10871 o Samboy Lim Law, na nag-aatas sa mga paaralan na magturo ng cardiopulmonary resuscitation (CPR) at basic life support.

“Get into sports, stay away from drugs to keep us physically fit and healthy,” paalala ni Go.

Your sign today

Pick your Chinese zodiac sign for a daily forecast by Master Hanz Cua.