Andrea Brillantes, pinalaya ang pagka-vavavoom

Sa pelikulang idinirehe at isnulat ni Sigird Andrea Bernardo, ang Laya, malayang pinakawalan ni Andrea Brillantes ang kanyang pagka-vavavoom at husay bilang aktres dahil ibang klase ang katotohanan at sinseridad na ibinigay niya sa kanyang katauhang si Sab.
Pinamukadkad talaga ni Blythe ang vavavoom side sa pelikula, wala siyang keber na magsuot ng two-piece bikini habang naikikipalanguyan sa mga butanding. May eksena pa siyang super nagtatampisaw sa araw sa tabi ng dagat at ang kurbada, 10, ibang klase ang datingan. Malakas. Maalindog. Iba ang taglay na pangrahuyo!
Ang mas lalong nakakahanga kay Brillantes, mapaghamon ang kanyang katauhang si Sab. Pa-sweet at care bear kunyari sa panlabas, pero ang motibasyon, babangon ako at dudurugin ko si Tupe. Juice colored! Si Andrea talaga, sa ganang akin ang pinaka-mahusay na aktres ng kanyang henerasyon dahil hindi madaling bigyang-buhay, puso at kaluluwa ang kanyang katauhan. Sinagpang niya talaga ang pait at sakit na na nararamdaman ni Sab, huh!
Ang Laya ay pelikulang walang mali, lahat tama. Sa aspektong artistiko at teknikal, sa kwentong isinisalaysay nito, ang direksyonni Bernardo na hindi mo lang makikita, kundi damang-dama mo na mahal na mahal at alam na alam niya ang kanyang isinulat na naging pelikula, at siempre pa, ang mahuhusay na pagbibigay ng mga artistang kasama sa kanilang mga katauhan.
Palakpakan na may kasamang sigawan para kay JC Santos na sakdal husay bilang Tupe. Mula sa kanyang pinapangit na itsura, mga matang palagiang nangungusap at damdaming sumasambulat na ramdam na ramdam mo habang siya ay pinapanood.
Grabehan rin sa husay at galing si Anthony Jennings bilang Benjo. Sa pelikula, siya ag boses ng katinuan at katwiran. Siya ang matalik na kaibigan na maraming hindi maunawaan. Siya ang labis na nagmamalasakit kina Sab at Tuopi. May mga eksena si Jennings na kausap ang mga katauhan nina Santos at Blythe na natural na natural ang kanyang pag-ganap, galing sa kaibuturan ng kanyang puso at pagkatao.
Sa true lang, ang Laya, siyento prosyento itong mamamahalin ng mga manunuri ng pelikulang Pilipino at malaki ang posibilidad na magkamit ng mga parangal sa Gawad Urian.
Mabuhay ang Laya. Mahusay na pelikula at pinalaya nito ang husay at igting sa pag-arte ni Andrea Brillantes. Hindi na kataka-taka ngayon kung bakit sa ibang bansa eh siya at pinarangalan at may best actress trophy siyang inuwi, huh!
Eugene Reggio sa PBB
Isa sa mga pinag-uusapang housemate ngayon sa PPB House ay si Eugene Reggio. Korean-British ang nationality nito. Nakakapagsalita ng Korean, English at Portugese. May koleksyon ng mga basketball shoes. At yes oh yes, super model pa ito.
Ang pinaka-panalo kay young master Reggio, siya yung literal na “magandang lalaki” kasi maganda talaga ang kanyang mukha na bagay na bagays sa kilos niyang mabini at pino,
Ang nakakabaliw, ang mga may armpit hair fetish, haling na haling at hibang na hibang sa makakapal na buhok sa kili-kili ni Eugene. Ang mga hitad at kaladkarin, tilam na tilim talaga sa armpits, huh! Ibang klase rin ang paglalaway at pagnanasa. Magsi-ayos kayo at naka bigla na lang kayong mabuhukan. Mga haliparot! Ang savage! Hahahaha!





