Laptops ipinamahagi sa Iloilo City teachers

Pinangunahan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang pamamahagi ng mga laptop sa mga guro ng pampublikong paaralan sa Iloilo City nitong Biyernes, 27 Nobyembre, bilang bahagi ng computerization program ng Department of Education.
Layunin ng programa na mabigyan ng computer ang lahat ng guro sa mga pampublikong paaralan bago matapos ang taong 2028.
Sa kasalukuyan, nakabili na ang pamahalaan ng kabuuang 231,725 laptop para sa mga guro at 3,646 naman para sa mga administrative personnel.
Bawat laptop ay may limang taong warranty at may kasamang productivity software, bag, mouse, gayundin ang pagsasanay para sa wastong paggamit nito.
Samantala, sinuri rin ni Marcos ang pagpapatupad ng Yaman ng Kalusugan Program o YAKAP ng Philippine Health Insurance Corporation sa A. Mabini Elementary School sa Iloilo City.
Sa pamamagitan ng programa, layong mailapit ang mga serbisyong pangkalusugan sa mga guro at mag-aaral sa pamamagitan ng libreng konsultasyon, laboratory tests at mga gamot.







