Skip to content
DYARYO TIRADA

VP Spoks, kinastigo mga senator-judges

Atty. Paolo Panelo

Atty. Paolo Panelo

Photo courtesy of Paolo Panelo/ Facebook

Text size

Kinuwestiyon ni Vice Presidential Spokesperson Paolo Panelo ang naging asal ng mga senator-judge sa impeachment trial ni Vice President Sara Duterte, at sinabing tila nagpapakita ng pagkiling ang mga tanong nila laban kay Anti-Money Laundering Council (AMLC) officer Rainer Dela Fuente.

Ayon kay Panelo, tungkulin ng prosekusyon na kuwestiyunin ang kredibilidad ng isang testigo, habang inaasahang pakinggan ng mga senator-judge ang magkabilang panig.

“Sila pa mismo yung sumusubok na sirain itong credibility ng witness,” ani Panelo.

Binanggit ni Panelo ang mga tanong tungkol sa ugnayan ni Dela Fuente sa mga offshore gaming operator (POGO), kasaysayan ng pagboto, at ang kaugnayan nito sa legal counsel ng Duterte Youth party-list.

Sinabi ng tagapagsalita na dahil sa ganitong mga tanong ay nagmumukhang kumakampi ang mga senator-judge sa isang panig sa halip na manatiling walang kinikilingan.

Hinimok ni Panelo si Senate President Francis Escudero na paalalahanan ang mga mambabatas na maghinay-hinay sa pagtatanong at iwasang magmukhang pabor sa prosekusyon o depensa.

“I hope that the Senate presiding officer, just like as he did before, would remind his colleagues to exercise restraint in advocating for one party or another,” buwelta ni Panelo.

Nang tanungin kung sinu-sinong senator-judge ang nagpapakita umano ng pagkiling, binanggit ni Panelo sina Senators Raffy Tulfo, Francisco “Kiko” Pangilinan at Risa Hontiveros.

Binigyang-diin ni Panelo na personal niyang opinyon ang kaniyang naging pahayag batay sa mga nangyari sa paglilitis noong araw na iyon.

Your sign today

Pick your Chinese zodiac sign for a daily forecast by Master Hanz Cua.