Pax Silica, planong isabatas

Dadaan muna sa Kongreso ang planong pagpapatupad ng United States-led Pax Silica initiative sa Pilipinas, kung saan inaasahang magsasagawa ng mga pagdinig at talakayan ang mga mambabatas tungkol sa proyekto, ayon kay Philippine Ambassador to the United States Jose Manuel Romualdez nitong 20 Nobyembre.
“I think it’s being proposed na magkakaroon ng legislation which in a way is good dahil dyan sa Congress at sa Senate, dyan magkakaroon ng debate, it will be open for hearings,” ani Romualdez.
Sa pamamagitan umano ng proseso sa Kongreso ay maaaring pag-usapan sa publiko ang mga posibleng problema at pangamba tungkol sa proyekto. Umaasa rin siyang mapabibilis ang pagtalakay rito ng mga mambabatas.
“Yes, that is the plan. ‘Yan ang sinasabi sa akin ng ating mga namumuno sa project na ‘yan,” pagdidiin ng embahador.
Binanggit din ni Romualdez na inaayos na ang mga usapin tungkol sa paggamit ng kuryente at tubig, gayundin ang posibleng epekto ng proyekto sa mga katutubong komunidad.
“Alam natin na wala namang data center talaga na ilalagay diyan. So wala na yun. The issue of the indigenous people, inaayos na rin nila yan,” saad niya.
Kabilang umano sa pangunahing gagamitin sa proyekto ang nickel at iba pang mahahalagang mineral. Kung sa Pilipinas ipoproseso ang mga ito, mas tataas ang halaga ng mga likas na yaman ng bansa at mas magkakaroon ng pagkakataon ang mga lehitimong kumpanya ng pagmimina na makipagsabayan sa mga ilegal na minero.
Dagdag pa niya, hindi lamang Estados Unidos ang makikinabang sa Pax Silica dahil makakakuha rin ng mahahalagang mineral ang iba pang bansang kasali sa inisyatiba na kailangan sa paggawa ng mga bagong teknolohiya.
Plano itong itayo bilang pabrika sa New Clark City sa Capas, Tarlac. Dito maaaring iproseso ang nickel at iba pang mineral upang maging mga materyales at piyesang gagamitin sa paggawa ng semiconductors at teknolohiyang artificial intelligence.Ipinaliwanag din niya na hindi maaaring ikompromiso ang seguridad ng mga dadalong head of state, kaya kailangang matiyak ang sapat na paghahanda at proteksiyon. Gayunman, dapat aniyang maayos na ma-audit at magamit ang pondo alinsunod sa layunin nito.
Kabilang naman sa mahahalagang usaping inaasahang tatalakayin ang cybersecurity, paggamit ng artificial intelligence (AI), at epekto ng kaguluhan sa Strait of Hormuz sa pandaigdigang suplay ng langis.
Samantala, nanawagan si Adiong ng masusing pag-aaral sa Pax Silica Project, na aniya ay maaaring maghatid ng pamumuhunan, trabaho at paglago ng ekonomiya.
Gayunman, iginiit niyang kailangang balansehin ang mga oportunidad na ito sa posibleng epekto sa kalikasan at kapakanan ng mga Pilipino.
Binigyang-diin niya na hindi dapat agad tanggihan ang proyekto, ngunit kinakailangan muna itong dumaan sa masusing pag-aaral, konsultasyon at pagpapalaganap ng impormasyon upang matiyak na pambansang interes ang mananaig.






