Skip to content
DYARYO TIRADA

Cianne Dominguez mabaho ang paa — Vice Ganda

PBB Collab 3.0 Housemate Cianne Dominguez

PBB Collab 3.0 Housemate Cianne Dominguez

ABSCBN

Text size

Ipinagtanggol ni Unkabogable Star Vice Ganda ang kasamahan sa “It’s Showtime” at kasalukuyang PBB housemate na si Cianne Dominguez laban sa kumakalat na isyuna amoy putok ito.

Sa segment na “Laro, Laro Pick” ng noontime show nitong Huwebes, 19 Nobyembre, ikinuwento ni Vice na marami raw ang nagtatanong at nagte-text sa kaniya upang kumpirmahin ang naturang isyu.

Iginiit ng komedyante na sa tagal nilang magkasama sa programa ay hindi niya napansing may hindi kanais-nais na amoy sa katawan ang dalaga.

Nagbigay rin ng reaksiyon si Anne Curtis na naniniwalang maaaring bahagi lamang ito ng biruan ng mga housemate sa loob ng Bahay ni Kuya.

Gayunman, nagpahirit pa si Vice na ikinatawa naman ng kaniyang mga kasamahan sa programa.

“Mabaho ang paa ni Cianne pero walang putok,” biro ng komedyante.

Matatandaang nagsimula ang espekulasyon ng mga netizen matapos kumalat ang video ng pag-uusap ng ilang housemate tungkol sa pagligo matapos mag-sauna sa loob ng Bahay ni Kuya. Wala namang direktang pagtukoy kay Cianne sa naturang usapan.

Kasalukuyang kalahok si Cianne sa Pinoy Big Brother: Celebrity Collab Edition 3.0, kung saan kabilang siya sa mga nominado para sa eviction night ngayong Sabado.

Nakilala si Cianne bilang kalahok sa “Sexy Babe” segment ng “It’s Showtime” bago naging regular na host ng programa.

Your sign today

Pick your Chinese zodiac sign for a daily forecast by Master Hanz Cua.