Skip to content
DYARYO TIRADA

Cone, target si Rhenz Abando para sa Gilas?

Cone, target si Rhenz Abando para sa Gilas?
Text size

Inihayag ng Samahang Basketbol ng Pilipinas (SBP) na naging pangunahing option umano ni Gilas Pilipinas head coach Tim Cone si Rhenz Abando na makasama sa roster ng team para sa fifth window ng FIBA World Cup Asian Qualifiers.

Ayon kay SBP executive Director Erika Dy, mayroon umanong laging short list ng manlalaro si Cone dahil kung sakaling hindi puwede na makapaglaro ang nasa listahan ay mayroon agad itong mabilis na mahuhugot.

Nanguna si Abando sa listahan nina Cone at mga coaching staff ng Gilas Pilipinas.

Kapalit ni Abando sina Carl Tamayo at Calvin Oftana na hindi makakapaglaro sa torneo na gaganapin sa Malaysia.

Si Tamayo ay nagtamo ng ankle sprain injury habang ang asawa ni Oftana ay nakatakdang manganak na.

Ito ang unang pagkakataon kung sakali na makakapaglaro ang 28-anyos na si Abando sa ilalim ng pamumuno ni Cone.

Kasalukuyang naglalaro sa Korean Basketball League si Abando kung saan huling naglaro ito kasama ang Gilas Pilipinas ay noong 2023 FIBA World Cup na ginanap sa Pilipinas.

Makakaharap ng Gilas ang Syria at Iran sa darating na Nobyembre 27 at 29.

Your sign today

Pick your Chinese zodiac sign for a daily forecast by Master Hanz Cua.