Skip to content
DYARYO TIRADA

Pitik Bulag: 'Di na NENE 'Di na TOTOY, mag jowa sa DILIM!

Pitik Bulag: 'Di na NENE 'Di na TOTOY, mag jowa sa DILIM!
Text size

Mukhang matagal pang mababalita na hiwalay ang dalawang ito kasi nga, hindi pa naman sila opisyal na umaamin na sila na nga. Isang baguhang aktres at isang baguhang aktor eh mag-jowa na pala sa dilim!

Hindi sinasadyang maibulalas ang katotohan tungkol sa dalawa sa isang pagtitipon. Ang nagkumpirma pa sa katotohan, naku, naku, naku! Hindi pwedeng magsinungaling lalo na nga’t bukas na aklat ang pagiging totoo nito sa kanyang mga salitang binabatawan. Hindi eklatera at mas lalong hindi etchosera ang pinanggalingan ng kumpirmasyon tungkol sa pilit na inililihim pang relasyon.

Kaloka! Pakiwari ko naman kung magiging lantad na ito, hindi naman makaka-apekto at makakasira sa karera ng mga baguhang artista. Ikalulugod pa nga ito ng mga sumusubaybay sa kanila at mas lalo silang magiging istariray!

Also read MLBB, kinilala bilang Esports Mobile Game of the Year

Kailan kaya nila tatanggaling ang maskara na sila ay matalik na magkaibigan lamang? Look na lang ako sa sky at hayaang sina Zaido at Pulis Pangkalawakan ang tumugon sa tanong, huh! Dedma na sa dagdag na pahiwatig kung sino ang batang aktres at aktor. Ang sigurado, bata sila pero hindi na nene at totoy, dalaga at binata na sila, at bagay na bagay talaga.

*****

Arjo Atayde at Maine Mendoza, ekis ang hiwalayan!

Tapos na at tila may tandang padamdam ang inilagay sa chikang hiwalay na ang dekolor at puti nina Arjo Atayde at Maine Mendoza. Ang bumasag sa trip ng mga mahuhusay maghabi ng mga kwentong salat sa katotohanan ay ang mismong mommy dearest ni Juan Carlos (tunay na pangalan ni Master Atayde) ang natatanging award-winning actress, si Ms. Sylvia Sanchez.

Kasi naman ang mga dalahira at katkatera, ayaw tantanan ang mag-asawang Arjo at Nicomaine Dei (tunay na pangalan ni Mrs. Atayde) at talagang push kete push sila kanilang hiwalayan agenda.

Also read DPWH: Human error, sanhi ng insidente sa Gandara, Samar

Pero sa wakas, tinuldukan na ni Sylvia ang pagkalat ng mga fake news matapos mag-post ng mga litrato sa Instagram na kuha birthday celebration ng kanyang panganay na anak.

Ang pangmalaksang ginawa ng mahusay na aktres para manahimik ang mga inggitera at intrigera, ibinahagi ni Madama Sanchez sa kanyang opisyal na IG account ang mga larawan nina Maine at Arjo na masayang-masaya na magkasama. Nakunan para sa susunod na salinlahi ang mga larawan na magkatabi ang mag-asawang Arjo at Maine at may larawan pa nga na naka-kunyapit si young Mrs. Atayde sa kanyang muy guapitong mister.

Ang pa-caption pa nga ni Madama Josette ay: “Belated happy birthday, Arjo. I Love you so much, nak! Late post!!!! (birthday dinner Nov.5). Happy afternoon. God bless you all!”

Ang kasama pa nina Arjo, Maine at Sylvia sa nasabing selebrasyon ay ama ng angkan ng mga Atayde, si Art Atayde, si Ria kasama ang anak nila ni Zanjoe Marudo, Gela Atayde at kasintahang si Zaijian Jaranilla.

May video post pang kasama ang ibinahagi ni Sanchez sa IG kung saan kasama ito sa pag-awit ng happy birthday para kay Arjo.

O, ayan na ang resibo, mga dalahira at katkatera! Kaya niyo po ba?

Your sign today

Pick your Chinese zodiac sign for a daily forecast by Master Hanz Cua.