Skip to content
DYARYO TIRADA

Opening salvo ng PBA semis sa Ninoy Aquino Stadium

Opening salvo ng PBA semis sa Ninoy Aquino Stadium
Text size

Magsisimula ang salpukan sa semifinals ng PBA Governors’ Cup sa Disyembre 4 at bubuksan ito sa makasaysayang Ninoy Aquino Stadium at magtatapos sa Smart Araneta Coliseum.

Sa inilabas ng schedule ng PBA, unang maghaharap ang defending champion na TNT at Barangay Ginebra sa ganap na 5:15 p.m., na susundan ng bakbakan sa pagitan ng Converge at NLEX ng 7:30 p.m.

Sa Disyembre 6 naman, nakatakdang lumipat ang serye sa Mall of Asia Arena habang ang Game 3 sa Disyembre 9 ay lalaruin sa Ynares Center sa Antipolo.

Sa Smart Araneta Coliseum naman naka-schedule ang huling dalawang laro ng best-of-five series, kung kinakailangan.

Gaganapin ang Game 4 sa Disyembre 11, habang ang Game 5—kung aabot pa—ay nakaiskedyul sa Disyembre 13.

Maaga man o hindi matapos ang parehong serye, nakatakdang magsimula ang best-of-seven finals sa Disyembre 13.

Kung aabot sa Game 7 ang title series, gaganapin ang championship game sa Disyembre 30.

Your sign today

Pick your Chinese zodiac sign for a daily forecast by Master Hanz Cua.