Skip to content
DYARYO TIRADA

Sasakyan lumagapak sa Makati building; isa patay

NAHULOG na Sedan sa Makati City, 26 Nobyembre.

NAHULOG na Sedan sa Makati City, 26 Nobyembre.

Photograph courtesy of Joshua Lugtu

Text size

Nasawi ang isang 55-anyos na drayber matapos mahulog ang minamaneho niyang sasakyan mula sa isang gusali sa Jimenez Street, Barangay San Lorenzo, Makati City nitong Huwebes.

Ayon sa ulat ng pulisya, pababa na sana ng parking area ang drayber nang tumama ang bahagi ng bumper nito sa pader at tuluyang nawalan ng kontrol.

Tumagos ang sedan mula sa ikaapat na palapag ng gusali, kung saan naipit sa loob ang biktima.

Also read Sal Panelo sa mga ‘kalaban sa pulitika’: PAKYU!

Sa kuha ng CCTV, makikitang patihayang bumagsak ang sasakyan sa kalsada—isang pangyayaring ikinagulat ng dalawang guwardiya sa ibaba ng gusali.

Bukod sa nasawing drayber, wala namang ibang naiulat na nasaktan sa insidente.

Your sign today

Pick your Chinese zodiac sign for a daily forecast by Master Hanz Cua.