Skip to content
DYARYO TIRADA

Habeas corpus petitions ni Rody tinabla ng SC

FORMER President Rodrigo Duterte

FORMER President Rodrigo Duterte

Text size

Ibinasura na ng Korte Suprema ang pinagsama-samang petisyon para sa habeas corpus na kumukuwestiyon sa pag-aresto kay dating Pangulong Rodrigo Duterte matapos ideklara ng hukuman na wala nang saysay o moot ang mga ito.

Sa desisyong isinulat ni Associate Justice Japar Dimaampao, sinabi ng korte na hindi na maaaring ipatupad ng mga hukuman sa Pilipinas ang writ of habeas corpus dahil nasa kustodiya na ng International Criminal Court (ICC) sa The Hague, Netherlands ang dating pangulo.

Siyam na mahistrado ng Supreme Court en banc ang bumoto pabor sa pagbasura sa mga petisyong inihain nina Sebastian, Veronica at Paolo Duterte para sa kanilang ama.

Also read Lakers, Spurs maglalaban para sa top spot

Apat namang mahistrado ang tumutol, habang nasa official business naman si Associate Justice Samuel Gaerlan.

Kung matatandaan, inaresto si Duterte noong Marso 11, 2025 pagdating niya sa Pilipinas mula sa Hong Kong batay sa warrant of arrest ng ICC para sa kasong crimes against humanity sa ilalim ng Rome Statute.

Sa parehong araw, naghain si Duterte ng petition for certiorari and prohibition sa Korte Suprema upang pigilan ang mga opisyal ng pamahalaan na makipagtulungan sa ICC bago siya isinakay sa eroplano patungong The Hague kinagabihan.

Kinabukasan, naghain ng magkakahiwalay na petisyon para sa habeas corpus ang kanyang mga anak.

Iginiit nila na hindi maaaring ipatupad ang warrant ng ICC dahil kumalas na ang Pilipinas sa Rome Statute at nilabag umano ng pag-aresto ang Konstitusyon, mga batas ng bansa at pandaigdigang batas.

Ikinatwiran naman ng Office of the Solicitor General na naging moot na ang mga petisyon dahil hindi maaaring ipatupad sa labas ng bansa ang writ of habeas corpus, at iginiit nitong tumalima ang pag-aresto sa mga internasyonal na obligasyon ng Pilipinas.

Your sign today

Pick your Chinese zodiac sign for a daily forecast by Master Hanz Cua.