KASONG RAPE LABAN SA PANDI MAYOR IBINASURA; BIKTIMA PEKE PALA



A ruling was issued by the Supreme Court (SC) that a statement in the criminal information that psychological violence…

The Supreme Court (SC) has dismissed petitions that sought to cite Akbayan Partylist Rep. Percival Cendaña,…
National Bureau of Investigation (NBI) director Melvin Matibag said he will no longer attend a regional summit in…

Dear Atty. Nico,

The public does not need a legal treatise to recognize when a case appears to be losing momentum.
Ibinasura ng Regional Trial Court Branch 121 ng Caloocan City ang inihain na kasong rape laban kay Pandi, Bulacan Mayor Enrico Roque at sa dalawang kasama nito matapos mapatunayang walang basehan at walang katotohanan ang mga bintang laban sa alkalde.
Sa inilabas na desisyon ni Judge Rowena Violago Alejandria ng RTC Branch 121 noong February 25, 2025, inilahad dito na ang pangalan ng nag-akusa sa alkalde — isang Mikaela Buico Mariano — ay hindi umano tunay na pangalan at imbento lamang din umano ang address ng tirahan na ibinigay nito.
Ayon pa sa korte, maging ang medico-legal na isinumite nito ay napatunayang hindi totoo, gayun din ang blotter nito dahil wala ito sa mga dokumento ng Women and Children Protection Desk ng Caloocan City Police Station.
Sinabi naman ng kampo ni Roque na ang kasong kriminal na inihain laban sa alkalde ay isa lamang umanong direktang paninira sa kanyang pagkatao at public image.
Dagdag pa nila, ang kasong ito ay nagbigay ng kahihiyan kay Roque hindi lamang dahil may kaugnayan sa pulitika kundi isang pagnanakaw na rin sa kanyang mga karapatan bilang tao dahil sa mga walang katotohanan at inimbentong akusasyon laban sa kanya.