Skip to content
DYARYO TIRADA

Paulo Avelino, may dyowang gamer sa dilim?

Paulo Avelino

Paulo Avelino

Prime Video

Text size

Poot at suklam ang nararamdaman ng mga KimPau fandom kasi nga, sa Baklang Manicurista account sa X may bidyo na talaga namang nagbibida-bidahan. Verified account ang Baklang Manikurista. May 22K ++ followers ito at sumusubaybay naman ito sa 3K X accounts.

Sa nasabing bidyo, mapapanood ang kasangga ni Ms. Cristy Fermin, si Rommel Chika na kausap ang isang tarot reader, na itatago natin sa pangalang Mamu Gloria Escoto na may mga pasabog na reading mula sa kanyang mahiwaga at alam na alam ang lahat na tarot cards.

Ang nga nagsusumigaw na sumbong sa kanya ng kanyang tarot cards, walang relasyon sina Paulo Avelino at si Kim Chiu. Sigaw pa rin mula sa mga nasabing tarot, babaing gamer ang dyowa ni Avelino. Kung ano ang pangalan nito, kahit si ginang Fermin, hindi pa rin niya alam.

Tungkol naman sa kasalukuyang estado sa buhay ni Chiu, panoorin niyo na lang ang bidyo at bahala na kayo kung hook, line and sinker niyong paniniwalaan ang mga hula ni Mamu o mas pipiliin niyong wag itong bigyang dignidad at hayaan na lamang ang pagbubunyag sa katotohanan patungkol sa kung ano nga ba talaga sina Paulo at Chiu sa isa’t-isa.

Sabi sa social media, ngayong Disyembre eh malalaman na nating lahat ang katotohanan, at pawang katotohanan lamang kina Avelino ay Chiu. Tungkol sa hula, at may chika na rin nga sa Ekis, na may gamer girlfriend nga ang aktor, pakilabas na ang mga resibo. Sa kaganapang ito, mananalig ba tayo na may ang matandang kasabihang kapag may usok, may apoy eh bagay na bagay sa mga galawang ito ni master Avelino?

Kung totoo nga na may iniirog na talaga ang aktor at hindi si Chiu ito, kailangan ba natin itong isumbat sa kanya, o kaya ay pagalitan?

Ang mas nakakabaliw ang mga rebelasyon ng tarot cards ni Mamu Gloria tungkol sa aktres, huh! Wala namang katotohanang maitatago sa pangmatagalang panahon, lagi itong nailalantad kaya kung may dyowa man sa dilim si Paulo Avelino at kung ano man ang tunay na kaganapan kay Kim Chiu, may pagsambulat ito.

Kung sakali mang wala palang katotohanan ang mga pinagsigawan ng tarot cards ni Madam Gloria, eh di wala! Sirang-sirang na agad ang kanyang kredibilidad at pangalan at tapos na with a tandang pandamdam ang kanyang paging hula-hula-who.

Also read China, nasorpresa ng Saudi

Ang plot twist na kaabang-abang eh kung biglang bumulaga ang gamer at naglabas ito ng mga patotoo na may relasyon nga talaga sila ni Avelino. Ang pangyayaring eh tunay na nakakaliw at nakakabaliw, huh!

***

Ang mahusay na theater actor na si Esteban Mara ang mabibigay buhay sa katauhang si Dodong sa Zsa Zsah Zaturnnah Ze Partee na magsisimula ang pagtatanghal sa Abril 2027.

Ang orihinal na aktor na nagbigay buhay sa kay Dodong ay si Arnold Cruz. Ang iba pang mga gumanap sa katauhan ay sina Lauren Novero, Janvier Daily, Red Anderson, Rocky Salumbides at John Matthew Servilla. Sa movie version ng play, si Alfred Vargas ang naging Dodong.

Si Dodong ang prinsipe sa buhay ni Ada, ang parloristang kanyang minumutya at mainahal at hindi isyu sa kanya ang pagiging bakla nito Basta mahal niya si Ada, period. Si Nar Cabuco ang mgbibigy buhay kay Ada sa 20th anniversary production na ito. Si Kim Molina si Zsa Zsah Zaturnah at si Sheila Valderama-Martinez si Queen Femina. Ang Wishbone Collective ang producer nito.

Pahayag ni Mara: “Hindi talaga ako musical theater actor so isang malaking pagsubok sa kakayahan ko ang pagganap bilang si Dodong. Alam kong malaki an matutulong nito sa growth ko bilang artista.”

Ang pinaka-gusto niya sa kanyang katauhan: “Gusto ko na masipag siya, madiskarte, at matapang. Gusto ko rung ano ang pananaw niya sa pagmamahal. Si Dodong kasi, ang pagmamahal ay pagmamahal, wala itong pinipili. Ang alam niya lang nagmamahal siya. At ang mahal niya ay si Ada.”

O, di ba? Love is love talaga si Esteban Mara bilang Dodong, ang saya-saya lang huh!

Your sign today

Pick your Chinese zodiac sign for a daily forecast by Master Hanz Cua.