Paulo Avelino ipinagtanggol si Kim Chiu


Sa isang pambihirang pagkakataon, nag-tweet si Paulo Avelino para ipagtanggol si Kim Chiu laban sa sister niyang si Lakam Chiu na idinemanda ni Kim ng kasong qualified theft dahil sa nawawalang 44.4 milyong piso sa kanilang bag business.
Binigyang-diin ni Paulo ang laki ng nawawalang pera.
" I don’t think people understand the value of the “amount” stolen.
"Think about what you would do with that money.
"Bibili ka ng bahay?
"Medical Bills?
"School?
"Magsisimula ka ng bagong buhay?
"That amount can build the life you’ve always dreamed of," tweet niya.
"Now imagine someone took the life you’re supposed to be living in.
"Sa company palang yan. Pano pa kaya sa...," dagdag pa niya.
Nag-agree naman sa binata ang followers niya sa X.
"Kapag mali, mali. Kahit magulang mo pa yan or kapatid dapat nilang harapin yung consequences para matuto sila sa pagkakamali nila. Kung hahayaan nyo kasi uulit lang yan hindi magtatanda. Tough love dapat," say ng isang fan.
"Ngayon ako naniniwala na hindi dahil kadugo eh kailngan palagi mong papatawarin!kasi kung talagang kadugo din ang Turing sayo,di na gawin ang bagay na alam nyang ikakasira ng samahan ng bawat Isa," say ng isa pang faney.
"Tulad nga ng Sabi Nung sa Isang comment na nabasa ko. Di lang si Kim kase may Ari ng negosyo may mga kasamahan din sya dun kung di nya gagawin Yan. Pano nmn yung mga nag tiwala sa knya.tsaka masakit Kay Kim yun kase mismong kapatid pa nya tlga ang gumawa nyan pinagkatiwalaan nya ng sobra," paliwanag naman ng isang supporter ng aktor.