Dustin Yu, mas mabilis pa sa balang humaharurot

Share

Share

Nahaharap ang nakatatandang kapatid ni Kim Chiu na si Lakam Chiu sa 124 counts of qualified theft kaugnay ng umano’y…

Palaban at walang katakot-takot ang Vivamax star na si Rinoa Halili sa pulong balitaan para sa pinakabagong pelikula…

Isinusulong ni Sen. Loren Legarda ang mas malaking pamumuhunan sa professional development ng mahigit 2.25 milyong…

Isinulong ni Piddig Ilocos Norte Mayor Gina Guillen ang mga programa para sa mga magsasaka at mangingisda sa kanyang…

Kabaliw talaga ang mga dalahira at katkaterang totoo, huh. Ang beauty queen na si Ashley Montenegro, biktima ng maling…

Mas mabilis pa sa humaharurot na bala ang paliwanag si Dustin Yu tungkol sa kaniyang sagot niya sa isang beki na content creator.
Kung ano man ang naging tugon ni young master Yu sa tweet/post na ‘yon ng beki, pakisaliksik na lang sa X. Kayo na my dear Chika Diva mambabasa kung dapat ba nating ikabahala ang mga paandar ni Dustin.
Ang nakakabaliw, noong 2021 pa ang reply na iyan ni Dustin at kung bakit ma may it’s all coming to me now at back with a vengeance ang kanyang pakikipag-kulitan sa baklang bukod tanging pinagpala sa lahat, malay ko at pakialam ko, huh!
Ang on-line arya ni Yu: “Hi! I’m doing a film right now, nasa lock-in taping ako and walang halos signal. I was told that I’m being dragged regarding something I commented years ago. Nung una, I didn’t really mind cos I’m more focused on the good days, plus I’m very much happy with my life right now. But I decided to speak up for the sake of my loved ones, while making sure to do so with respect for the LGBT community.
“I just want to make my statement clear.
“I replied to a comment on that account maybe around 5 years ago as a joke and simply to interact with people who were tagging me. Wala akong ibang intention behind it.
“Ngayon ko lang nalaman na nagpalit na pala ng account at content ‘yung account na ‘yun, and unfortunately, may mga taong ginagamit ngayon ‘yung old comment ko para gawan ng ibang storya at i-drag ako.
“I know what I meant when I said it, and I won’t let someone twist an old interaction into something it was never meant to be. I’m sharing this simply to set the record straight.
“Moving forward, sana mas piliin na lang natin maging positive and kind. We may not always agree or understand each other, but I hope we can choose to be kinder instead of creating stories that can hurt someone.
“And to those who continue to drag me, I genuinely hope you find something else that brings you happiness and makes you smile. Nakakalungkot lang isipin na kailangan pang sirain o saktan ‘yung ibang tao para may mapagtawanan o maging masaya. I hope you find happiness that doesn’t have to come at someone else’s expense.”
Oh, ayan, kwentas claras na ha. O baka naman ang mga dalahira at katkatera eh hindi pa rin kuntento. Sa pagkakaalam ko, yung baklang content creator may mahabang paliwanag rin sa X tungkol sa kaganapang ito. Kung gusto niyong malaman kung ano ang hanash at kuda na mula sa maricon, punta na sa Ekis at bawal ang spoon feeding sa pitak na ito.
Wag tamad at pala-asa, noh!
Nananalig na tuloy ako na may saysay at wawa na si Dustin Yu sa showbizlandia dahil kahit limang taon na ang nakalipas, itsurang huwag mong buhayin ang bangkay na ang tweet reply niya, ang mga katkatera at inggitera, ayaw siyang tantanan! Juice colored!