Rinoa Halili, palaban sa paglunok


Palaban at walang katakot-takot ang Vivamax star na si Rinoa Halili sa pulong balitaan para sa pinakabagong pelikula niya na sa pamagat pa lang, may payanig at sagitsit na, ang “Spit or Swallow.” Kasama niya rito ang ibang VMX stars na sina Kim Yashii at Ghion Espinosa, mula sa direksyon ni Sigrid Polon.
Siyempre pa, ang tanong na malupit sa pangalawang aktres ay kung “spit” o “swallow” ba ang dramarama niya sa buhay, lalo na kung ang milk of human kindness ang tinutumbok sa tanong.
“Swallow! Kasi masarap kapag nilulunok!” ang buong katapatan nitong tugon at sabay tawa ito dahil nga may sekswal na konotasyon ang kanyang sagot.
Pero sumeryoso rin si Binibining Halili, na wala akong katiyakan kung kadugo at kalahi ba nina Katrina at Sheena, matapos itong makipag-kulitan: “Kahit sa buhay ganu’n ako, e. Like sa career ko as VMX actress. Lahat lulunukin ko para sa ikabubuti ng career ko, di ba? Iluluwa ko lang kapag nasa point na ako na satisfied na ako sa posisyon ko sa industriya.”
Samantala, sasagutin ng “Spit or Swallow” ang tanong kung hanggang saan ba kaya mong lunukin para lang maramdaman na tanggap ka? Sa 11 Setyembre, ang VMX movie ay magdadal sa lahat sa isang kapana-panabik na mundong puno ng sikreto, kapusukan, at pagtuklas sa tunay na sarili sa “Spit or Swallow.”
Astra ang pangalan ng katauhan ni Halili at ang mga kasama niyang si Kim Yashii ay si Lena at Ghion Espinosa bilang Cole, Pangalan ni Espinosa ang Cole kaya tiyak tayo na wala siyang kaugnayan kina Jack Cole at kay Nadia Gina Cole. Hahahaha! Ang kulit!
Sabi sa opisyal na hiwangsay ng “Spit or Swallow,” ang pelikula ay kwento ng isang dalagang nahihirapang sundin ang sarili niyang mga kagustuhan habang pilit ding binibigyang-kasiyahan ang iba. May mga relasyong mabubuo, May mga sikretong nagbabantang mabunyag, magsisimulang magbago ang ugnayan nina Lena, Astra at Cole kung saan malalagay sila sa isang kumplikadong sitwasyon, hanggang sa mapipilitan ang isa sa kanila na harapin ang tunay niyang mga kagustuhan—at tuklasin kung hanggang saan niya handang ibigay ang buong sarili para lamang makamit ang pagtanggap at pagmamahal.
Sa “Spit or Swallow”matutunghayan at mapapagtanto kung ano ang kapalit kapag ang isang pagsang-ayon, ang isang pag-“oo” ay nangangahulugang paglunok ng higit pa sa gusto o kaya mong tanggapin.
Three petitions challenging the constitutionality of the Senate impeachment court’s revised interpretation of the…
A health reform advocate on Wednesday warned that a reduced 2027 budget for the Philippine Health Insurance Corp.…
A person who is down in the gutter should be helped or, in this case, pulled out. And that’s what first responders in…