Manhunt operation laban kay Bato, patuloy

Patuloy ang manhunt operation ng National Bureau of Investigation (NBI) laban kay Senador Ronald “Bato” Dela Rosa sa iba’t ibang bahagi ng Mindanao kaugnay ng pagsisilbi sa warrant of arrest na inilabas ng International Criminal Court (ICC).
Ito ay sa kabila ng mariing pagtanggi ng ilang lokal na pamahalaan sa Mindanao sa mga ulat na kinukupkop ng mga militanteng grupo o political organizations ang senador.
Ayon kay NBI director Melvin Matibag, hindi nangangahulugang walang tiwala ang ahensya sa mga lokal na pamahalaan ang pagpapatuloy ng kanilang operasyon.
Dagdag niya, bahagi lamang ito ng proseso ng pagberipika sa mga impormasyong natatanggap nilang intelligence reports.
Sinabi rin ni Matibag na hindi pa natutugunan ng kanilang mga operatiba ang lahat ng lugar na posibleng pinagtataguan ng senador kaya nagpapatuloy ang kanilang manhunt operation.
Sa pamamagitan ng patuloy na pagberipika at pag-iikot sa mga natukoy na lugar, inaasahan ng NBI na mapapaliit ang listahan ng mga posibleng kinaroroonan ni Dela Rosa.






