Skip to content
DYARYO TIRADA

National Costume ni Bea Millan-Windorski, Cordillera inspired

National Costume ni Bea Millan-Windorski, Cordillera inspired

Miss Universe Philippines FB

Text size

Isang pagpapahalaga sa kultura at tradisyon ng Pilipinas ang ipinamalas ni Miss Universe Philippines Bea Millan-Windorski sa pamamagitan ng kaniyang national costume na pinamagatang “Diwa ng Kordilera.”

Ito ay hango sa mayamang kultura ng mga katutubo sa Cordillera, partikular sa tradisyon ng mga kababaihang Kalinga, tampok sa kasuotan ang mga elementong sumasalamin sa kanilang pagkakakilanlan, katatagan, at malalim na pagpapahalaga sa pamana ng kanilang mga ninuno.

Ang kasuotan na ito ay dinisenyo ni Anthony Ramirez, naging inspirasyon dito ang Banga Salidsid, isang tradisyonal na sayaw na nagpapakita ng kakayahan ng mga kababaihang Kalinga na magbalanse ng mga palayok sa kanilang ulo. Hindi lamang ito isang pagpapakita ng husay at ganda, kundi simbolo rin ng lakas, tiyaga, at dignidad ng kababaihang Pilipino.

Also read Sal Panelo sa mga ‘kalaban sa pulitika’: PAKYU!

Sa bawat detalye ng kasuotan, dala ni Bea ang kuwento ng isang kulturang patuloy na nabubuhay sa kabila ng paglipas ng panahon. Higit pa sa isang likhang-sining, nagsisilbi itong pagpupugay sa mga katutubong komunidad at sa kanilang mahalagang papel sa pagpapanatili ng identidad ng bansa.

Ipinakita ni Bea na ang tunay na kagandahan ay hindi lamang nasusukat sa panlabas na anyo, kundi higit sa lahat, sa kuwentong pinagmulan, kulturang ipinagmamalaki.

Nakatakda naman ang koronasyon ng prestihiyosong Miss Universe pageant sa Miyerkules, 25 Nobyembre.

Your sign today

Pick your Chinese zodiac sign for a daily forecast by Master Hanz Cua.