Ikatlong sunod na linggo ng rollback, nakatakda

Posibleng maramdaman ang ikatlong sunod na linggo ng rollback sa presyo ng mga produktong petrolyo sa bansa.
Batay sa galaw ng presyuhan sa pandaigdigang merkado at palitan ng piso kontra dolyar, inaasahang bababa ng P2.70 hanggang P3.00 kada litro ang presyo ng diesel.
Posible namang magtala ng P2.60 hanggang P2.90 kada litro na bawas-presyo sa gasolina.
Ayon sa mga oil industry sources, unti-unti nang nagiging balanse ang suplay at demand sa pandaigdigang merkado, na isa sa mga salik sa inaasahang panibagong rollback.
Inaasahang magbibigay ito ng dagdag-ginhawa sa mga motorista at sektor ng transportasyon.







