Number 2 most wanted sa Quezon, arestado

Arestado ang lalaking ikalawa sa listahan ng most wanted persons sa provincial level ng Quezon matapos matunton ng mga pulis sa Mauban kaugnay ng 23 kasong rape at qualified rape of a minor, ayon sa ulat nitong 23 Nobyembre.
Kinilala ang suspek sa alyas na “Iking,” 54, may-asawa at magsasaka na residente ng Barangay Macasin. Naaresto siya sa Sitio Labas-B ng nasabing barangay noong 21 Nobyembre.
Matagal nang hinahanap ng mga awtoridad ang suspek batay sa warrant of arrest na inilabas ng Regional Trial Court Branch 64 sa Mauban noong 18 Nobyembre 2026.
Nahaharap siya sa 23 magkakahiwalay na kaso ng rape at qualified rape of a minor sa ilalim ng Article 266-A ng Revised Penal Code. Walang inirekomendang piyansa para sa pansamantalang paglaya niya.
Matapos maaresto, dinala si Iking sa Mauban Municipal Police Station at nanatili sa kustodiya ng pulisya habang hinihintay ang pagharap niya sa korte.






