Skip to content
DYARYO TIRADA

De Lima, nanawagan kay PBBM

De Lima, nanawagan kay PBBM
Text size

Hinimok ni House Senior Deputy Minority Leader Leila de Lima si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. na magdeklara ng state of calamity sa mga lugar na lubhang naapektuhan ng El Niño upang mapabilis ang paghahatid ng tulong ng pamahalaan.

Nakasaad ang panukala sa House Bill No. 1629 na inihain ni De Lima ng Mamamayang Liberal Party-list.

Layunin nitong ideklara ang state of imminent disaster sa mga lugar na nakararanas ng matinding tagtuyot upang mapabilis ang pagtugon ng mga ahensya ng gobyerno.

Ayon kay De Lima, mahalaga ang maagap na pagdedeklara upang mas maayos na maikoordina ang mga hakbang ng pamahalaan at agad na maihatid ang kinakailangang ayuda sa mga apektadong komunidad, partikular sa mga lugar na nakararanas ng kakulangan sa suplay ng tubig.

Binigyang-diin din ng mambabatas na nagiging malaking banta sa seguridad sa pagkain ang patuloy na paglala ng epekto ng El Niño.

Dahil dito, nanawagan siya sa pamahalaan na huwag nang magpatumpik-tumpik sa paglalaan ng pondo at pagsasagawa ng mga kinakailangang paghahanda upang maibsan ang epekto ng tagtuyot sa mga mamamayan at sektor ng agrikultura.

Your sign today

Pick your Chinese zodiac sign for a daily forecast by Master Hanz Cua.