Skip to content
DYARYO TIRADA

Pakikiramay bumuhos sa pagpanaw ni PJ Simon

Pakikiramay bumuhos sa pagpanaw ni PJ Simon
Text size

Patuloy ang pagbuhos ng pakikiramay mula sa mga kapwa basketbolista at dating kakampi sa Philippine Basketball Association (PBA) kasunod ng pagpanaw ng dating manlalaro na si Peter June “PJ” Simon.

Pinangunahan ng kanyang dating kakampi sa koponan na si Mark Barroca ang pagbibigay-pugay sa social media matapos ipahayag ang pagkabigla sa biglaang pagkawala ni Simon.

Nagpahayag din ng pagkadismaya at hindi makapaniwala ang isa pang dating manlalaro na si JC Intal, na nagsabing isa si Simon sa kanilang hinahangaan pagdating sa paglalaro ng basketball.

Also read Lakers, Spurs maglalaban para sa top spot

Nagbahagi rin ng kani-kanilang alaala ang iba pang nakasama at nakalaro ni Simon sa liga. Sa isang video na ibinahagi ni Paul Artadi, ipinakita ang malalim na pananampalataya at pagiging malapit sa Diyos ng namayapang basketbolista, habang nag-post naman ng mga larawan kasama si Simon sina Marc Pingris at James Yap.

Nagpaabot din ng matinding kalungkutan ang kanilang dating coach na si Chito Victolero sa sinapit ng dating manlalaro.

Samantala, humiling ng privacy ang pamilya ni Simon at nakiusap sa mga tagahanga na ipagpaliban muna ang pagdalaw sa punerarya kung saan nakalagak ang kanyang mga labi.

Matatandaang biglang nawalan ng malay si Simon habang naglalaro sa isang exhibition game sa Davao City.

Isinugod pa siya sa pagamutan ngunit idineklarang dead on arrival.

Your sign today

Pick your Chinese zodiac sign for a daily forecast by Master Hanz Cua.