Skip to content
DYARYO TIRADA

James Reid ipinagtanggol si Kathryn Bernardo!

KATHRYN Bernardo and James Reid

KATHRYN Bernardo and James Reid

PHOTOGRAPHS COURTESY OF NETFLIX

Text size

Hindi pinalampas ni James Reid ang pamba-bash ng netizens sa kanyang “Someone, Someday” leading lady na si Kathryn Bernardo.

Lately kadi ay binabatikos si Kathryn dahil sa overacting nito sa kanilang teleserye na malapit nang magtapos.

Sa isang recent interview, ipinagtanggol ni James si Kathryn.

Also read Durant umabot sa 33K puntos; LeBron binuhat Sixers kontra Heat

“I wouldn’t listen to the bashers. They only take up a small percentage of the audience. There’s a lot of big support for Kathryn. Everyone knows that with all the incredible projects she had. Maybe, they haven’t watched the show,” say ng aktor.

Of course, super happy ang maraming tagahanga ni Kath sa ginawang pagtatanggol ni James. 


Partikular na ikinumpara ang acting ni Kath sa co-star na si Maja Salvador. Para sa bashers, mas magaling umarte si Maja sa kanilang confrontation scene ni Kath.

***

Sama-samang suportahan ang pambato ng bansa na si Bea Millan-Windorski sa kanyang pagsabak sa ika-75 edisyon ng Miss Universe, na mapapanood nang live mula San Juan, Puerto Rico sa Miyerkules (Nobyembre 25), 8 AM, sa ABS-CBN sa ALLTV2, A2Z, Kapamilya Channel, Metro Channel, at iWant.

Also read Blazers giniba ang Spurs

Panoorin si Bea na makipagtagisan sa mga kandidata mula sa iba’t ibang panig ng mundo sa pag-asang maiuwi sa Pilipinas ang ikalimang Miss Universe crown. Bukod sa pagtaas ng bandera ng Pilipinas, nais din niyang gamitin ang Miss Universe platform upang higit na maitaguyod ang pangangalaga sa karagatan at proteksyon ng mga pawikan, mga adbokasiyang matagal na niyang isinusulong sa pamamagitan ng iba’t ibang proyekto sa bansa.

Samantala, bago ang coronation night, nasa kapangyarihan natin na matulungan siyang makamit ang korona sa pamamagitan ng pagboto sa kanya sa Miss Universe app bilang bukas na ang fan voting ng kompetisyon.

Makamit kaya ni Bea ang ikalimang Miss Universe crown para sa Pilipinas? Huwag palampasin ang live telecast ng ika-75 Miss Universe sa Miyerkules (Nobyembre 25), 8 AM, sa ABS-CBN sa ALLTV2, A2Z, Kapamilya Channel, at Metro Channel, o mag-stream nang libre sa iWant.

Mapapanood din ang mga highlight ng kompetisyon sa ABS-CBN Entertainment YouTube channel.

Your sign today

Pick your Chinese zodiac sign for a daily forecast by Master Hanz Cua.