Skip to content
DYARYO TIRADA

Fiona the hippo, patay matapos makalulon ng sombrero

Fiona the hippo, patay matapos makalulon ng sombrero
Text size

Namayapa ang sikat na hippopotamus na si Fiona sa kalagitnaan ng kanyang gamutan matapos aksidenteng makalulon ng binurdang sombrero sa Cincinnati Zoo.

Ibinahagi ng pamsunuan ng zoo ang malungkot na balita at sinabing ilang beses nilang tinangkang iligtas ang buhay ng siyam na taong Nile hippo.

“The team performed necessary supportive care today in an attempt to save her, but it was not successful and she did not recover,” pahayag ng Cincinnati Zoo & Botanical Garden.

Marami naman ang bumatikos at ibinaling ang sisi sa mga magulang ng batang umano’y naghagis ng sombrero sa loob ng kulungan.

Isinilang noong Enero 2017 si Fiona—ang kauna-unahang Nile hippo na ipinanganak sa naturang zoo. Dahil premature, naging mahirap para sa kanya ang pagtayo, bagama’t kalaunan ay napagtagumpayan din niya ito. Mayroon din siyang nakababatang kapatid na si Fritz, na isinilang noong 2022 at nakakuha rin ng malaking atensyon tulad niya.

Your sign today

Pick your Chinese zodiac sign for a daily forecast by Master Hanz Cua.