Skip to content
DYARYO TIRADA

Hiwalayang Arjo-Maine, ‘fake news’

Hiwalayang Arjo-Maine, ‘fake news’

Arjo Atayde IG

Text size

Nabigyang-linaw ang mga espekulasyon tungkol sa umano’y hiwalayan nina Arjo Atayde at Maine Mendoza matapos silang makitang magkasama sa isang espesyal na pagdiriwang para sa kaarawan ng aktor.

Dumalo rin sa naturang selebrasyon ang iba pang miyembro ng pamilya Atayde, kabilang sina Art Atayde, Ria Atayde, Gela Atayde, Xavi Atayde, at Sylvia Sanchez.

Sa social media, ibinahagi ni Sylvia ang ilang larawan mula sa kanilang salu-salo bilang pagdiriwang sa kaarawan ng kanyang anak. Kalakip nito ang isang sweet na pagbati: “Belated happy birthday, Arjo! Mahal na mahal kita, anak!”

Samantala, matagal nang inaabangan ng mga tagahanga ang birthday greeting ni Maine para sa kanyang mister sa social media. Gayunman, nanatiling tahimik ang aktres sa usapin, habang patuloy namang ipinapakita ng mag-asawa ang kanilang suporta sa isa’t isa sa kabila ng mga espekulasyon tungkol sa kanilang relasyon.

Sa kabilang banda, abala rin si Arjo sa pagpo-promote ng kanyang pelikulang Moonglow, na kalahok sa QCinema.

Ang Moonglow tungkol sa kuwento ng isang babaeng pulis at imbestigador na sawa na sa kanyang trabaho. Dahil dito, pinasok niya ang mansiyon ng tiwaling hepe ng pulisya na kanyang pinaglilingkuran at tinangay ang malaking halaga ng perang naipon nito mula sa katiwalian at korapsiyon.

Your sign today

Pick your Chinese zodiac sign for a daily forecast by Master Hanz Cua.