Skip to content
DYARYO TIRADA

Megan Young kabilang sa MGI All Stars judges

MEGAN Young

MEGAN Young

MGI All Stars

Text size

Opisyal nang kabilang si Miss World 2013 Megan Young sa judging panel ng Miss Grand International (MGI) All Stars second edition, ayon sa pageant board.

Inanunsyo ito ng MGI All Stars sa kanilang social media platform. Nagkandarapa naman ang Pinoy pageant enthusiasts sa comment section at sinabing perfect si Megan bilang judge ng naturang kumpetisyon.

Makakasama ng former Miss World ang kapuwa Filipina beauty queen na si Gloria Diaz, na gumawa rin ng kasaysayan matapos maging kauna-unahang Pilipinang nagwagi ng Miss Universe crown noong 1969.

Matatandaang noong 2013, naging kauna-unahang Pilipina rin si Megan na nagwagi ng Miss World title matapos ang kompetisyon sa Bali, Indonesia.

Samantala, tatlong Filipina beauty queens ang kabilang sa mga kandidata ng kompetisyon: Sina Miss Universe Philippines 2023 Michelle Marquez Dee, Miss Eco International 2025 Alexie Mae Brooks, at Miss International Queen 2025 Top 6 finalist Anne Patricia Lorenzo Diaz.

Dalawa pang Pilipina ang magiging bahagi ng programa bilang hosts: sina Miss Grand International 2024 CJ Opiaza at Miss Grand International 2025 Emma Mary Tiglao.

Makakasama nila sa hosting duties sina Miss Grand International 2023 Luciana Fuster ng Peru at reigning Miss Grand International 2026 Jihan Dimack ng Tanzania.

Magbabalik din sa kompetisyon ang unang MGI All Stars winner na si Vanessa Pulgarín ng Colombia upang ipagtanggol ang kaniyang titulo matapos magwagi noong Mayo 2026.

Your sign today

Pick your Chinese zodiac sign for a daily forecast by Master Hanz Cua.