Robert Pattinson: Ang bagong James Bond

Isa na namang iconic character ang madaragdag sa listahan ng roles ni Hollywood actor Robert Pattinson matapos siyang pangalanan bilang bagong James Bond, kapalit ni Daniel Craig na huling gumanap bilang Agent 007 sa pelikulang “No Time to Die” noong 2021.
Kilala ang 40-anyos na aktor sa pagganap bilang Cedric Diggory sa “Harry Potter and the Goblet of Fire” (2005), Edward Cullen sa “Twilight” saga (2008–2012), at Bruce Wayne o Batman sa “The Batman” (2022).
Ngayon, nakatakda naman niyang buhayin ang karakter ng sikat na British secret agent na si James Bond o Agent 007 sa ika-26 na pelikula ng franchise.
Ididirehe ang bagong pelikula ni Denis Villeneuve, na kilala sa pelikulang “Dune”, habang si “Peaky Blinders” creator Steven Knight naman ang magsusulat ng screenplay.







