Skip to content
DYARYO TIRADA

Semis berth selyado ng Criss Cross

PUMALO ng atake si Noel Kompton ng Criss Cross sa kanilang laban sa Spikers’ Turf Invitational Conference habang tinangka ng depensa ng kalaban na harangin ang bola.

PUMALO ng atake si Noel Kompton ng Criss Cross sa kanilang laban sa Spikers’ Turf Invitational Conference habang tinangka ng depensa ng kalaban na harangin ang bola.

Photo courtesy of Spiker’s Turf

Text size

Sigurado na ang pagpasok ng Criss Cross King Crunchers sa semifinals ng 2026 Spikers’ Turf Invitational Conference matapos makamit ang ikapitong sunod na panalo at maitaas sa 7-0 ang kartada nito, Martes, 17 Nobyembre.

Napanatili ng defending champion ang malinis na kartada nitong 7-0 at ang pamumuno sa standings. Hindi naging madali ang panalo ng King Crunchers matapos makalamang ang VNS, 2-1, sa sets, ngunit nagawa nilang makabawi sa fourth set bago isara ang laban sa deciding frame.

Pinangunahan ni Jude Garcia ang Criss Cross sa 19 puntos, habang nagdagdag si Noel Kampton ng 18. Nagtala naman si Jaron Requinton ng 12 puntos at Kim Malabunga ng 10.

Target ngayon ng King Crunchers na mapanatili ang kanilang dominasyon at muling masungkit ang kampeonato sa Invitational Conference.

Samantala, isang panalo na lamang ang kailangan ng Alpha Insurance Protectors upang makasunod sa Criss Cross sa semifinals matapos pabagsakin ang ClearSkiiin UV Smashers, 26-24, 16-25, 25-19, 25-21.

Umakyat sa 6-2 ang kartada ng Protectors at umupo sa ikalawang puwesto ng standings. Susunod nilang haharapin ang FEU-DN Steel Tamaraws sa Miyerkules, 18 Nobyembre, 3:00 p.m. sa Playtime Filoil Centre, kung saan maaari na nilang selyuhan ang kanilang semis berth.

Bago nito, sasabak ang Criss Cross kontra 3B Event Masters sa parehong araw, 1pm ng hapon. Haharapin naman ng King Crunchers ang FEU sa Huwebes, 19 Nobyembre, 3:30 p.m. sa Philsports Arena.

Your sign today

Pick your Chinese zodiac sign for a daily forecast by Master Hanz Cua.