Filipinas, sasabak sa two friendlies kontra New Zealand

TINALO ng Filipinas ang Peru, 2-0, sa ikalawang friendly match ng kanilang serye sa FPF La Videnita sa Peru bilang bahagi ng paghahanda ng koponan para sa 2027 FIFA Women’s World Cup.
Photograph courtesy of PFF
Nakatakdang harapin ng Philippine Women’s National Football Team (Filipinas) ang New Zealand sa dalawang international friendly matches sa Wellington bilang bahagi ng paghahanda nito para sa 2027 FIFA Women’s World Cup sa Brazil.
Inanunsyo ng Philippine Football Federation (PFF) nitong Martes, 17 Nobyembre, na gaganapin ang mga laban sa 29 Nobyembre at 4 Disyembre sa Porirua Park.
Kabilang sa mga inaasahang mangunguna sa 26-kataong lineup sina Olivia McDaniel, Hali Long, Jaclyn Sawicki, Sara Eggesvik, Katrina Guillou, Angie Beard at Dionesa Tolentin, kasama sina Mallie Ramirez at Camryn Penn.
Sa pangunguna ni head coach Mark Torcaso, magagamit ng Filipinas ang serye upang masubukan ang kanilang laro kontra New Zealand, na nakakuha rin ng puwesto sa susunod na World Cup.







