Dionela magiging ama na!

Soon to be father na ang OPM singer-songwriter na si Dionela matapos niyang kumpirmahing buntis ang kaniyang non-showbiz wife na si Meizy Mendoza.
Sa isang Facebook post, ibinahagi ng “Marilag” hitmaker ang larawan ng baby bump ng kaniyang misis at dalawang positive pregnancy test.
Kasabay ng anunsiyo, ikinuwento ng singer na ipinagdasal niya ang tagumpay ng bagong kanta nila ni John Roa na pinamagatang “Sarah,” na inilabas noong ika-11 ng Nobyembre.
“Was about to release a new song tomorrow (11.11) with John Roa and prayed to God to bless and anoint it. Well, God confirmed it in a most special way,” pagbubunyag niya.
Matatandaang nag-propose ang singer kay Meizy sa kaniyang “The Grace” concert noong Nobyembre 2025 bago sila ikinasal sa isang intimate garden wedding noong ika-31 ng Marso ngayong taon.
Matagal nang magkarelasyon ang dalawa bago tuluyang i-upgrade ang kanilang pag-iibigan. Si Meizy rin ang naging inspirasyon ng ilan sa mga awitin ni Dionela, kabilang ang “Musika,” “Marilag,” “Bahaghari” at “Oksihina.”







