Skip to content
DYARYO TIRADA

Abra balik finals, sasagupain Huskers

TINAPOS ni Dave Ildefonso ang laban tangan ang 17 puntos matapos pangunahan ang opensa ng Abra Solid North Weavers sa kanilang panalo kontra San Juan Knights.

TINAPOS ni Dave Ildefonso ang laban tangan ang 17 puntos matapos pangunahan ang opensa ng Abra Solid North Weavers sa kanilang panalo kontra San Juan Knights.

Photograph courtesy of Abra Solid North Weavers

Text size

Muling ipinamalas ng Abra Solid North Weavers ang dominasyon nito matapos walisin ang San Juan Knights, 3-0, sa Maharlika Pilipinas Basketball League (MPBL) North Division Finals.

Bitbit ang 24-2 kartada at pagiging nangunguna sa liga, ipinakita ng Weavers ang matatag na championship mentality na naging susi upang pataubin ang pumapangalawang Knights.

Sa kanilang huling laro, nagrehistro ang Abra ng 76-68 panalo upang makumpleto ang sweep at mapanatili ang North Division crown.

Also read UST, doble hataw sa UAAP basketball

Nagbanta pa ang Knights nang idikit ang iskor sa 61-62, ngunit sumagot ang Weavers sa pamamagitan ng 10-2 ratsada sa huling bahagi ng fourth quarter upang tuluyang isara ang laban.

Pinangunahan ni Jake Figueroa ang Abra sa huling laro sa pamamagitan ng 17 puntos, siyam na rebounds, dalawang assists at dalawang steals. Nag-ambag din si reigning MVP Dave Ildefonso ng 17 puntos, siyam na rebounds, apat na assists at dalawang steals.

Sa pagpasok sa National Finals, muling makakaharap ng Weavers ang Quezon Huskers, na kanilang winalis din noong nakaraang taon sa best-of-five National Finals, 3-0.

Galing din sa matinding serye ang Huskers matapos pataubin ang Biñan Tatak Gel, 3-1, sa South Division Finals. Nakuha ng Quezon ang kampeonato sa dikit na 69-68 na panalo sa Game 4 noong 13 Nobyembre.

Sa huling laban, nagbanta ang Biñan sa kabila ng 66-55 kalamangan ng Quezon matapos magpakawala ng 10 sunod na puntos, ngunit naisalba ng Huskers ang panalo sa pamamagitan ng dalawang free throw ni Cyrus Tabi may 4.6 segundong nalalabi.

Nagtala si Christian Pagaran ng 12 puntos at apat na rebounds para sa Quezon, habang nag-ambag si Tabi ng 11 puntos, pitong assists at limang rebounds.

Nakatakdang magsimula ang best-of-seven National Finals sa 23 Nobyembre sa Gov. Andres Bernos Memorial Gymnasium sa Bangued, Abra, kung saan tatangkain ng Weavers na umukit ng dinastiya sa pagkuha muli ng kampeonato.

Pagkatapos ng finals, haharapin naman ng Abra Weavers ang Ryukyu Golden Kings ng Japan B.League sa East Asia Super League sa 9 Disyembre sa Okinawa, Japan.

Your sign today

Pick your Chinese zodiac sign for a daily forecast by Master Hanz Cua.