Skip to content
DYARYO TIRADA

Bagyong Samuel, pumasok na sa PAR; mga pag-ulan, asahan sa ilang bahagi ng bansa

typhoon “Carina”

Typhoon Carina

Photo courtesy of PAGASA | X

Text size

Pumasok na sa Philippine Area of Responsibility (PAR) ang Bagyong Cempaka bandang alas-8:40 ng umaga nitong Lunes, Nobyembre 9, at binigyan ito ng lokal na pangalang “Samuel.”

Ayon sa pinakahuling ulat, namataan ang sentro ng bagyo sa layong 1,370 kilometro sa silangan-hilagang-silangan ng Extreme Northern Luzon. Kumikilos ito sa direksiyong hilaga-hilagang-kanluran sa bilis na 20 kilometro kada oras.

Taglay ng Bagyong Samuel ang lakas ng hanging umaabot sa 120 kilometro kada oras malapit sa sentro, habang pumapalo naman sa 150 kilometro kada oras ang bugso ng hangin.

Also read Saligang Batas sa iba’t ibang wika, isinusulong ni Legarda

Gayunman, mababa ang posibilidad na direktang makaapekto ang bagyo sa pangkalahatang lagay ng panahon sa bansa sa buong panahon ng pagtataya.

Sa kabila nito, inaasahang makararanas ng pag-ulan mula ngayong Lunes hanggang Miyerkules, Nobyembre 11, ang malaking bahagi ng Luzon at Visayas.

Kabilang din sa mga lugar na posibleng makaranas ng pag-ulan ang Dinagat Islands, Surigao del Norte, Misamis Oriental, Camiguin, Lanao del Norte, Misamis Occidental, Zamboanga del Norte, Davao Oriental, Davao Occidental, at Sarangani.

Your sign today

Pick your Chinese zodiac sign for a daily forecast by Master Hanz Cua.