Skip to content
DYARYO TIRADA

Ateneo de Davao pinatalsik ang estudyanteng nambugbog sa isang viral video

Ateneo de Davao pinatalsik ang estudyanteng nambugbog sa isang viral video

Ateneo de Davao

Text size

Tuluyan nang tinanggal ng Ateneo de Davao University ang viral na estudyanteng nangbugbog ng kaniyang kaklase sa loob ng comfort room ng paaralan.

Ito ay matapos makumpleto ng unibersidad ang disciplinary proceedings laban sa estudyante. Agad na ipinatupad ang dismissal matapos ang due process, ayon sa opisyal na pahayag ng paaralan.

Makikita sa kumakalat na video ang paulit-ulit na pagsipa at paghampas ng mop ng estudyante sa kaniyang kaklase, habang nakayuko at tila hindi makaganti ang biktima.

Patuloy naman ang imbestigasyon ng paaralan sa iba pang aspeto ng insidente, kabilang ang posibleng pagkakasangkot ng iba pang estudyante.

Bumuo rin ang unibersidad ng University Task Force on Bullying Prevention and Safe Learning Environments upang repasuhin ang mga polisiya, reporting channels at proseso nito laban sa bullying.

Binigyang-diin ng Ateneo na “Violence and bullying have no place at Ateneo de Davao University.”

Hiniling din nito sa publiko na huwag ikalat ang video at anumang impormasyong maaaring makakilala sa mga menor de edad na sangkot.

Your sign today

Pick your Chinese zodiac sign for a daily forecast by Master Hanz Cua.