PEZA Chief Panga, nagtapos sa termino na may P315.5-B investment record

Among those vouching for the performance of Philippine Economic Zone Authority director general Tereso Panga is Trade and Industry Secretary Cristina Roque who said she assumes that all ‘heads of Investment Promotions Agencies, will be retained,’ including PEZA chief Panga.
Photograph courtesy of PEZA
Nagtapos na ang tatlong taong panunungkulan ni Philippine Economic Zone Authority (PEZA) Director General Tereso O. Panga, na nag-iwan ng rekord na P315.5 bilyong halaga ng mga aprubadong pamumuhunan hanggang Nobyembre 10, 2026.
Si Panga, na nagsimula bilang planning officer noong 1998, ang kauna-unahang PEZA chief na nagmula mismo sa hanay ng mga kawani ng ahensiya.
Sa ilalim ng kanyang pamumuno, nakapagtala rin ang PEZA ng rekord na exports, sinuportahan ang mahigit 1.8 milyong direktang trabaho at nakapag-ambag ng P4.193 bilyon sa National Treasury sa loob ng tatlong magkakasunod na taon.
Kabilang sa mga pangunahing proyekto sa kanyang termino ang digitalisasyon ng serbisyo sa pamamagitan ng The One Portal System, AI Academy sa Cebu, Mold Industry Technology Center sa Cavite at pagkumpleto ng bagong PEZA Investment and Corporate Center.
Nakapaglikha rin ang ahensiya ng mahigit 100,000 bagong de-kalidad na trabaho sa pamamagitan ng mga bagong pamumuhunan at pagpapalawak ng mga kasalukuyang negosyo.
Sa pagtatapos ng kanyang termino, pinasalamatan at kinilala ng PEZA ang 28 taong paglilingkod ni Panga at ang kanyang mga naiambag sa pagpapaunlad ng pamumuhunan at ekonomiya ng bansa.






