Skip to content
DYARYO TIRADA

Chinese National na gumamit pekeng Filipino identity, arestado sa NAIA

Chinese National na gumamit pekeng Filipino identity, arestado sa NAIA
Text size

Inaresto ng Bureau of Immigration (BI) ang isang 36-anyos na Chinese national na umano’y nagpanggap na Pilipino gamit ang pekeng pagkakakilanlan upang makakuha ng Philippine passport.

Kinilala ang suspek na si Yao Shucheng, na gumagamit din ng alyas na Lee King Agbulos. Naaresto siya noong Nobyembre 8, 2026, matapos dumating sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 1 mula sa Hanoi, Vietnam.

Ayon sa BI, gumamit umano si Yao ng pekeng birth certificate upang makakuha ng pasaporte ng Pilipinas.

Also read Ateneo de Davao pinatalsik ang estudyanteng nambugbog sa isang viral video

Iniuugnay rin siya sa isang insidente ng pamamaril sa Parañaque City noong 2022 na ikinasawi ng dalawang Chinese national. Patuloy pa ring iniimbestigahan ang naturang kaso.

Sa kasalukuyan, nananatili sa kustodiya ng BI ang suspek habang isinasagawa ang mga kaukulang proseso para sa kanyang deportasyon at permanenteng paglalagay sa blacklist ng ahensya.

Your sign today

Pick your Chinese zodiac sign for a daily forecast by Master Hanz Cua.