Skip to content
DYARYO TIRADA

PDEA: 63 public transport workers, positibo sa ilegal na droga

Five public utility vehicle drivers tested positive for illegal drugs during PDEA’s Oplan Harabas operation at two terminals in Cagayan de Oro City ahead of Undas 2026.

Five public utility vehicle drivers tested positive for illegal drugs during PDEA’s Oplan Harabas operation at two terminals in Cagayan de Oro City ahead of Undas 2026.

Text size

Nasa 63 na driver at konduktor ng pampublikong transportasyon ang nagpositibo sa paggamit ng ilegal na droga sa isinagawang nationwide drug testing campaign ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) bilang bahagi ng paghahanda para sa Undas 2026.

Ayon kay PDEA Director General Usec. Isagani R. Nerez, kabilang ang mga ito sa kabuuang 5,479 driver at konduktor na sumailalim sa sorpresang drug testing mula Oktubre 26 hanggang 31, 2026.

Sa 63 na nagpositibo, 62 ang gumamit ng shabu habang isa naman ang nagpositibo sa marijuana. Karamihan sa mga nasangkot ay mga tricycle, jeepney at bus driver, gayundin ang iba pang manggagawa sa pampublikong transportasyon.

Also read Bicol’s ‘no. 10’ drug personality nabbed in Legazpi City buy-bust

Gayunman, mas mababa ng 12.5 porsiyento ang bilang ng mga nagpositibo ngayong taon kumpara sa 72 naitala noong 2025.

Isinagawa ang operasyon sa ilalim ng Oplan Harabas, sa pakikipagtulungan ng PDEA, Land Transportation Office (LTO) at Philippine National Police (PNP).

Layunin ng kampanya na matiyak ang kaligtasan ng mga pasahero at maiwasan ang mga aksidente sa kalsada sa pamamagitan ng pagtukoy at pagpigil sa mga driver na nagmamaneho sa ilalim ng impluwensiya ng ilegal na droga.

Your sign today

Pick your Chinese zodiac sign for a daily forecast by Master Hanz Cua.