Skip to content
DYARYO TIRADA

Pinas hindi pa handa sa expanded exports mula U.S.

Pinas hindi pa handa sa expanded 
exports mula U.S.
Text size

Iginiit ng Department of Agriculture (DA) na hindi pa handa ang Pilipinas sa mas malawak na pag-aangkat ng mga produktong agrikultural mula sa Estados Unidos dahil sa posibleng epekto nito sa lokal na sektor ng agrikultura.

Ayon kay Agriculture Secretary Francisco Tiu Laurel Jr., walang tutol ang kagawaran sa pag-aangkat ng mga produktong hindi naman komersyal na itinatanim o ginagawa sa bansa, gaya ng soybeans at wheat.

Gayunman, nagbabala si Laurel na maaaring higit na maapektuhan ang kabuhayan ng mga lokal na magsasaka kung dadami ang inaangkat na mga produktong direktang kakompetensya ng kanilang mga ani.

Also read Alex Eala, hinikayat ang kabataan na sumabak sa sports

Binigyang-diin din ng kalihim na walang pormal na kasunduan na nag-oobliga sa Pilipinas na sa Estados Unidos lamang kumuha ng lahat ng inaangkat nitong produkto.

Dahil dito, nananatiling mahalaga para sa DA na mapangalagaan ang interes at kakayahang makipagkompetensya ng mga lokal na magsasaka habang tinutugunan ang pangangailangan ng bansa sa mga produktong agrikultural.

Your sign today

Pick your Chinese zodiac sign for a daily forecast by Master Hanz Cua.