Skip to content
DYARYO TIRADA

NU, dinungisan kartada ng Criss Cross

PUMALO si NU Archipelago Builders (6) Buds Buddin laban kay Criss Cross King Crunchers (2) Jaron Requinton.

PUMALO si NU Archipelago Builders (6) Buds Buddin laban kay Criss Cross King Crunchers (2) Jaron Requinton.

Photo courtesy of Spiker’s Turf

Text size

Tinuldukan ng NU Archipelago Builders ang ratsada ng defending champion na Criss Cross King Crunchers matapos ang 23-25, 29-27, 26-24, 25-21 panalo sa 2026 Spikers’ Turf sa Playtime FilOil Centre sa San Juan, Lunes, 23 Nobyembre.

Nanguna si Buds Buddin sa NU matapos kumana ng 25 puntos mula sa 20 attacks at isang block upang pangunahan ang koponan sa pagpapatumba sa King Crunchers.

Nakuha ng Criss Cross ang unang set matapos makabawi sa 16-12 kalamangan ng NU. Nagbago ang takbo ng laro matapos ang block ni Lloyd Josafat kay Jade Dosquitado, bago tuluyang iselyo ni Kim Mabalunga ang set sa pamamagitan ng libreng mid-spike, 25-23.

Gumanda naman ang opensa ng NU sa ikalawang set at naging dikdikan ang palitan ng puntos ng dalawang koponan. Nakabawi ang Builders sa pamamagitan ng three-man block kontra star player na si Jude Garcia, bago napakinabangan ang sumablay na outside attack nito upang makuha ang set, 29-27.

Naging sandata rin ng NU ang depensa sa ikatlong set matapos magtala ng anim na blocks, na naging susi upang maagaw ang kalamangan sa laban, 26-24.

Nanatiling dikit ang laro sa ikaapat na set, ngunit nanaig ang depensa ng Builders sa mga huling palitan. Naitala ni Obed Mukaba ang ika-24 na puntos ng NU bago tuluyang tinapos ni Buddin ang laban upang makumpleto ang panalo laban sa defending champions, 25-21.

Ikinatuwa ni Buddin ang panalo na aniya’y bunga ng sama-samang pagsisikap ng buong koponan at mahabang paghahanda, kabilang ang pagtutok ng coaching staff sa kanilang mental preparation.

“Sobrang happy, kasi talagang lahat kami nagtrabaho dito. Total team effort talaga. Syempre ‘yung coaches naming, talagang yung mental naming pinre-pare nila para sa game na ito. Naging mahaba yung preparation namin,” ani Buddin.

Inamin din niya na nakadagdag sa kanilang pagkadismaya ang mga pagkakamali sa laro, partikular ang mga serve na hindi pumasok. Gayunman, nakapag-adjust ang NU sa ikatlo at ikaapat na set upang makuha ang panalo.

“Syempre nakakafrustrate yun. Nagadjust kami ng 3rd at fourth set, kaya ayun naging maganda yung kinalabasan,” dagdag niya.

Susunod na makakaharap ng NU ang ProVolley Academy sa Miyerkules, 25 Nobyembre, alas-1 ng hapon, habang sasagupain naman ng Criss Cross ang Savouge Spin Doctors sa alas-3 ng hapon sa Playtime FilOil Centre sa pagpapatuloy ng semifinal round.

Your sign today

Pick your Chinese zodiac sign for a daily forecast by Master Hanz Cua.