Skip to content
DYARYO TIRADA

Mark Herras at Jojo Mendrez, ayos na ang lukot at gusot

Mark Herras at Jojo Mendrez, ayos na ang lukot at gusot
Text size

Tapos na ang PMPC’s Star Awards for Movie, naging matagumpay ito at ang mga nanalo, inuwi na ang kani-kanilang mga tropeo. Ang nakakaaliw at nakakabaliw na kaganapan sa nasabing gabi ng parangal ang dalawahang tinig na pagkanta nina bad boy of the dance floor Mark Herras at revival king Jojo Mendrez. Ang orihinal na awit ni Julie Vega, ang Somewhere In My Past ang siyang kinanta nina Herras at Mendrez. At in fair Verona, marami talaga ang lugod-lugod sa kanilang bersyon kaya palong-palo ito sa mga streaming platform at palagiang most requested song sa FM radio stations. Talbog! It’s MarJo na talaga.

Panalo na bukod sa kanilang dalawahang tinig na kanta, may mga nakapila pa palang tours at concerts para mas lalo pang maging istariray ang kantang kinagigiliwan. Ang mas lalong panalo, wala na ang lukot at gusot sa pagitan nina Mark at Jojo.

Pahayag nga ni Herras sa isang panayam: “Okay na. Ako naman yung tao na hindi pinatatagal ang galit o sama ng loob. Saka hindi naman talaga siya at ako ang dahilan kung bakit gumulo kundi ibang mga tao. Kumbaga, after nagsubside ang bagyo, maayos ang lahat. Hindi siya ganung ka-big deal. Maliit lang ang mundo ng showbiz kaya tama na maayos na ang lahat. Huwag na pahabain pa o patagalin ang lahat.”

“Mas komportable na ngayon,” sabi ni Mendrez. “Marami na rin kaming pinagdaanan. Mabuti nalusutan namin. Mas nangibabaw talaga ang friendship. Lahat naman dumadaan sa pagsubok. Mabait si Mark.”

Ang tinaguriang bad boy of the dance floor, gulat na gulat sa tagumpay ng kanta nila ni Mendrez. “Dati dancer ako ngayon, singer na. Joke! Hahahaha. Hindi ko ini-expect na marami ang sumusuporta at nakikinig sa kanta. Kaya maraming salamat sa lahat.”

Sabi pa ni Mendrez: “Biruan nga lang yung duet na yun. Sino ba naman ang mag-aakala na marami ang magkakagusto at tatangkalik. Lagi siyang requested at tinutugtog sa radio.”

May kasunod na ba ang kanilang song collaboration? Mabilis na tugon ni Herras: “Hahanap muna kami ng kanta na babagay sa boses ko.”

Pareho ang Christmas wishes nina Herras at Jojo para sa isa’t-isa: “More projects at success.”

Also read Kris Aquino ‘tie-breaker’ ng Marcos-Aquino sa Palasyo!

O di ba, ang tunay na pagkakaibigan talaga, at pagiging magkaibigan, basta bukas ang komunikasyon at tapat, lahat talaga ay maayos at mas lalong magiging mainam.

***

Pangmalakasan ang aliw na hatid ng mga kuda at hanash ni Alex Gonzaga sa kanyang social media account kung saan ang kaligayahan niyang nararamdaman ang kanyang naibahagi sa sumusubaybay sa kanya.

Keber kung walang saplot ang dating TV host at ngayo’y vlogger sa kanyang IG account habang mukha lang ng baby ang nakatakip sa kanyang dibdib.

Ang mga pasakit sa pagpapasuso sa kanyang panganay ay talaga namang marami ang bet na bet. Sabi nga ni Gonzaga, nagpa-“Aray!” sa kanya ang pagpapadede kasi nga ang kanyang baby Isaac, sa kapipilit niyang dumede ito sa kanya, tila nanggigil ito sa kanyang utok at kinakagat, huh! Nung sa wakas daw ay umubra na ang kanyang charm, ginawa naman daw pacifier ng anak ang dede niya!

Ang lactating suso ni Gonzaga ngayon eh ekslusibong para kay Isaac lamang! Bawal na ito sa kanyang mister na si Mikee Morada. Post niya nga sa IG: “Thank you, Lord, while Isaac is sleeping now I calmly gave my breast and he latched! Walang drama at iyakan…tandaan mo, anak, para sa iyo lang ‘yan, kahit si papa mo, ‘di mahahawakan ‘yan, hehehe!”

Pwede sa baby ang boobey pero di muna pwede kay Daddy kasi nga baka agad, makabuo ng baby number two,huh! Ang savage! Hahahaha!

Your sign today

Pick your Chinese zodiac sign for a daily forecast by Master Hanz Cua.