Skip to content
DYARYO TIRADA

Multa sa naantalang foreign-funded projects, pumalo sa P1.7 B

Multa sa naantalang foreign-funded projects, pumalo sa P1.7 B
Text size

Umabot na sa P1.7 bilyon ang kabuuang multang binayaran ng pamahalaan bunsod ng pagkaantala sa mga proyektong pinondohan sa pamamagitan ng mga pautang at grant mula sa ibang bansa.

Ayon kay Senador Panfilo Lacson, nagmula ang naturang halaga sa mga multa sa mga foreign-assisted project na hindi naipatupad sa itinakdang panahon mula 2014 hanggang 2026.

Binigyang-diin ni Lacson na malaking halaga ng pera ng bayan ang nasasayang dahil sa pagkaantala ng mga proyektong inaasahang magbibigay ng benepisyo sa publiko.

Dahil dito, iginiit ng senador ang pangangailangang matiyak ang maagap na pagpapatupad ng mga proyektong pinopondohan ng mga dayuhang pautang at grant upang maiwasan ang karagdagang gastusin ng pamahalaan at pag-aaksaya ng pondo ng bayan.

Your sign today

Pick your Chinese zodiac sign for a daily forecast by Master Hanz Cua.