Skip to content
DYARYO TIRADA

Senado, Kamara nagkasundo sa MAP phaseout

LACSON

LACSON

Aram Lascano

Text size

Nagkasundo ang mga senador na unti-unti nang alisin ang medical assistance program na tinawag na bagong anyo ng pork barrel.

Sa pagtalakay sa panukalang P378 bilyong budget ng Department of Health (DoH) para sa susunod na taon, iminungkahi ni Senador Panfilo Lacson na ilipat ang natitirang P16.2 bilyong pondo ng programa sa mga Public Assistance Center ng Senado at Kamara na pinangangasiwaan ng ahensya.

Sa ilalim ng panukala, P6 bilyon ang ilalaan sa Senado habang P10.2 bilyon naman ang mapupunta sa Kamara.

Layunin ng hakbang na matiyak na hindi biglaang mawawalan ng tulong ang mga pasyenteng nakasanayan nang lumapit sa mga mambabatas para sa kanilang gastusing medikal.

Gayunman, iginiit ni Lacson na mas nararapat na direktang ilaan sa Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth) ang pondo upang mas mapalakas ang pagpapatupad ng Universal Health Care Law.

Sa ganitong paraan, inaasahang mabibigyan ng sapat na serbisyong pangkalusugan ang mga mamamayan nang hindi na kinakailangang dumulog sa mga pulitiko upang makahingi ng tulong medikal.

Your sign today

Pick your Chinese zodiac sign for a daily forecast by Master Hanz Cua.