‘Banayad Coffee’

BATIROL Espresso. In this age of third spaces and coffee raves, Common Man Coffee Roasters delivers on both the aesthetic and the caffeine boost.
Lahat pala tayo sinisikmura sa kape. Yung iba kapag umiinom. Yung iba naman sinisikmura — sa mga nababalita.
Patong na buwis sa kape dahil wala nang masyadong umiinom ng alak sa GenZ at puro kape na lang? Pait naman!
Sa umaapaw na isyu, mas nakita pa ang hindi dapat gawing problema. Kahit lasing, hindi maiisip iyan.
Wala namang nababalitaang napapahamak sa sobrang kape. Wala pang umuuwi galing opisina, pagod, at walang gagawin kung ‘di maupo sa baso, magsalin ng sapatos, at uminom ng sofa at masasabing “loko-loko lang iinom nito at pagkatapang!”
Mas nakakaloko pa yung ideya na patungan ng buwis ang inuming nagpapatakbo sa sistema ng maraming tao sa araw-araw.
Inuming paniguradong iniinom din ng mga katulad nilang opisyal sa pagdinig para magkaroon sila ng enerhiya at hindi antukin bago maglabas ng mga kawalang hiyan na mga salita mula sa bibig nila.
Mabuti pa dagdagan na lang kaya nila iniinom nilang kape nang mahimasmasan naman.







