Skip to content
DYARYO TIRADA

Robin: Phl history, pinakamaganda sa balat ng mundo

SENATOR-judge Robin Padilla

SENATOR-judge Robin Padilla

Photo courtesy of Senate of the Philippines / FB

Text size

Sa sesyon ng Senado nitong Biyernes ng gabi, binigyang-diin ni Sen. Robin Padilla ang halaga ng kasaysayan ng bansa kasunod ng tanong tungkol sa pag-alis umano nito sa higher education.

Ayon kay Padilla, "Ang kasaysayan mo ng Pilipinas ay isa sa pinakamagandang kasaysayan sa balat ng mundo." Sinabi naman ni Sen. Joel Villanueva na tapos na ang mga konsultasyon at may nakatakdang summit upang pag-aralan at buuin ang mga natuklasan mula sa kahalagahan ng kasaysayan bilang asignatura sa higher education.

Nag-ugat ang isyu sa panukalang Reframed General Education Curriculum Component ng Commission on Higher Education. Sa ilalim ng draft na reporma, iminungkahi ang pagbawas sa minimum na General Education units mula 36 tungong 18 upang hindi umano magsikip ang mga programa sa kolehiyo.

Pinuna ng mga guro, unyon, at ng Tanggol Kasaysayan ang pagkawala ng hiwalay na asignaturang Readings in Philippine History at pagsasama nito sa kursong Rizal at Philippine Studies, bukod sa pangambang mabawasan ang teaching load ng mga propesor.

Dahil sa pagtutol, sinuspinde ng CHED ang panukala noong Mayo upang magdaos ng mas malawak na konsultasyon. Habang umuusad ang pagreporma sa kurikulum, nananatiling napakahalaga ang pangangalaga sa kasaysayan para sa kamalayan ng kabataan.

Your sign today

Pick your Chinese zodiac sign for a daily forecast by Master Hanz Cua.