Skip to content
DYARYO TIRADA

Vice Ganda, ‘ginawang ‘voice over’ lamang, inaglahi!

Vice Ganda, ‘ginawang ‘voice over’ lamang, inaglahi!
Text size

Isang linggo na halos ang nakalipas pero ang galit at suklam na nararamdaman ngayon ng mga Little Pony, ang tawag sa fandoms ni Vice Ganda, pangmalakasan pa, huh! Hanggang ngayon hindi nila mabata at maunawaan ang diumano’y pag-etsapuwera kay Vice Ganda sa telecast ng isang Malaysian TV network.

Pinoy jury spokesperson si Jose Marie sa katatapos na Eurovision Song Contest Asia 2026 na ginanap sa Bangkok, Thailand kamakailan kung saan ang nag-viktoria ay ang Filipina singer na si Carmelle Allyza Collado.

“Sobra-Sobra” ang kantang nagpanalo kay Carmelle na isinulat at inilikha nina Nica del Rosario at Mat Olavides.

Also read Huling hirit ng AFAD gun show ngayong 2026, aarangkada

Ayon sa independent media outlet na Euromix, binago umano ang on-screen appearance ni Vice sa bahagi ng live jury voting sequence. Sa halip na ipakita ang mukha ng komedyante, scoreboard lamang umano ang nakita ng Malaysian viewers habang naririnig ang kanyang boses. Ay, ang savage! Sa nasabing bansana kasama sa rehiyong Timog Silangang Asya, kabog si Vice at naging “voice over” lamang ito.

Dahil sa pangyayaring ito, umani ng mga akusasyon ng censorship ang insidente, best in warla mode ang Little Ponies at nagbukas ng mga tanong tungkol sa representasyon ng LGBTQ+ community sa bagong tatag na regional competition.

Naging paksa pa nga ito ng talakayan sa X (dating Twitter), “…and Malaysia blocking the Philippines spokesperson (Vice Ganda) on Malaysian TV (just playing audio) is Homophobia.”

Tahimik pa si Vice at tila wala siyang pakels sa nangyari. Kung papatulan miya, ito malalaman natin sa takdang panahon. Kung hindi naman, keribels lang kasi nga ang “pang-aapi” na nangyari kay Viceral, tagumpay naman ang sinungkit at inuwi ni Carmelle, di ba naman.

********

Also read 114 na gasolinahan ipinasisiyasat ng DoE

Ang isa sa mga aktor na parang hindi ko makakalimutan matapos panoorin ang First Sun Production’s Saglit Lang, Totoo Na: The Rerun ay si Migui Moreno na binigyang buhay ang katauhan ni Raul, isang closeted gay executive na nag katambal sa dula ay si William Orcullo Jr. na ang katauhan naman ay si Daniel, ang lalaking kalaguyo.

Juice colored! Ang husay ni Moreno bilang Raul at grabehan ang tensyong sekswal nila ni Orcullo, huh! Swabe yung rebelasyon ng pagiging bakla nh katauhan ni Migui. Sa unang sipat, akala mo mag-tropa lang sina Raul at Daniel, iyun pala mag-jowa sa dilim na ang paboritong laro ay eskrimihan at ang ispesyal na panghimagas ay lollipop. Kaloka!

Parang si Hugh Jackman ang nakikita ko sa entablado at nung binuksan na ni Moreno ang kanyang saplot na polo, ayun na nga, big reveal talaga ang kanyang dad bod na in fair Verona, eh balbon na balbon pala. Ang sherep! Hahahaha.

Isa ang Walang Iwanan, sa pitong ipinalabas sa Mirror Theater Studio na mula sa First Sun Productions na ang artistic director ay si Rodel Mercado.

Mabuhay kayo, mahusay kayo, direk Rodel Mercado, Migui Moreno, William Orcullo Jr at ang buong cast at production na kasama sa nasabing pagtatanghal. Gawa pa kayo ng magagandang plays, First Sun Productions!

Your sign today

Pick your Chinese zodiac sign for a daily forecast by Master Hanz Cua.