Skip to content
DYARYO TIRADA

Vlogger-bizman humingi ng tawad sa pagpapaputok ng baril

Vlogger-bizman humingi ng tawad sa pagpapaputok ng baril
Text size

Humingi ng paumanhin ang vlogger at negosyanteng si Romeo “Idol” Catacutan matapos mag-viral ang video ng pagpapaputok niya ng baril sa isang fishpond sa San Luis, Pampanga noong 13 Nobyembre.

Sa isang Facebook post, inamin ni Catacutan ang kanyang pagkakamali at humingi ng tawad sa kaniyang mga tagasubaybay, kapulisan, at media.

Aminado rin ang vlogger na naapektuhan siya ng kontrobersiya dahil sa kaniyang pamilya at reputasyon.

Ayon kay Philippine National Police (PNP) spokesperson Police Brig. Gen. Allen Rae Co, binawi na ng Firearms and Explosives Office (FEO) ang lisensya ng pitong rehistradong baril ni Catacutan noong 16 Nobyembre.

Sa imbestigasyon ng kapulisan, natukoy na Glock 9mm pistol na nakarehistro sa pangalan ng vlogger ang ginamit nito sa pagpapaputok.

Nakikipag-ugnayan na rin ang mga awtoridad kay Catacutan para sa pagsuko ng kaniyang mga baril.

Binigyang-diin ng PNP na ipinagbabawal ang basta-bastang pagpapaputok ng baril kahit sa pribadong lugar kung hindi ito rehistrado o accredited na firing range.

Posible ring maharap sa kaukulang kaso ang vlogger at ang dalawa pa niyang kasama sa naturang video.

Your sign today

Pick your Chinese zodiac sign for a daily forecast by Master Hanz Cua.